Mara-Clara, Mula sa Puso, Minsan Lang Kita Iibigin and Kristine
Aside from the fact that all of these are products of the creative minds in ABS-CBN, what these words or phrases share in common is that they're all teleseryes. I think a lot would agree that these teleseryes have indeed become a part of the evening habit of most of us Filipinos, especially the graying generation. Dahil dito sa mga teleserye na 'to, natutunan nating tumawa, umiyak at mag-inarte. I can still remember myself watching "Mula sa Puso" back then, and being sad with the death of Rico Yan. Bagay na bagay pa naman sila ni Claudine! But anyway, somehow, I've become bored with Filipino teleseryes. With the birth of technology and globalization, new forms of drama such as koreanovelas and jdoramas have invaded the Philippines. Even if we don't understand they're language, subtitles or almost-fail dubbing has brought us closer to their culture and celebrities. Pero bakit nga ba medyo nabawasan na ang nagkakagusto sa local teledrama? It's not about the language my friends, no, I think we are not enticed by the foreign tongue. Ang problema kasi, masyado na naging predictable ang Filipino teledramas.
So allow me to discuss some of the most typical teleserye plots in television.
1. "Nagkapalit kami"
As what they say, "Ang Mara Clara ang ina ng mga teleserye". True, Mara Clara has indeed paved the way for teleseryes. And I think what enticed the Filipinos with Mara and Clara is the plot itself. Dalawang tao na magkakapalit ng posisyon. Usually, yung isa naging mahirap at laging pinapahirapan ng kanyang pamilya, at yung isa naman naging mayaman na nakukuha ang lahat ng gusto. But the twist is, one should be in place of the other. But unfortunately, it hasn't became a twist anymore, lalo na kung marami nang similar plots na lumabas with the same theme. Pero one thing is for sure... kadalasan, at the end, malalaman din ng lahat ang katotohanan. Similar din ang theme na 'to sa mga magkakamukhang bida. May dalawang bida na magkamukha, usually, isang mayaman at isang mahirap, tapos magkakapalit sila ng posisyon at iibigin nila ang taong makikilala nila sa buhay ng kamukha nila.
2. "Ang nawawalang eredera"
Ito siguro yung theme na pinaka-kinaiinisan ko. The typical flow of story, may isang anak-mayamang bata na mawawalay sa pamilya, at pagkatapos ng isang aksidente (maaaring sunog, o kaya naman sasakyan na sumabog o nahulog sa bangin), mawawalay ang bata sa kanyang pamilya. Usually than often, the child will be raised in a poor, loving family (pero kadalasan din, may isang myembro ng pamilya na magmamalupit sa kanya, pwedeng lasenggerong tatay, lasenggerang nanay, o lasenggerang lola na mahilig sa mahjong... basta mahilig sa alak). Sa pagdating ng takdang panahon, malalaman niya ang katotohanan. Pero yung twist na ayaw-na-ayaw ko, may isang tao na magpapanggap bilang siya upang makuha ang mana na dapat sa kanya. Naiinis talaga ako pag may nagpapanggap! Ang nakakainis lang, sa sobrang bait ng bida, hindi na niya ipaglalaban ng husto ang kanyang karapatan. Hahayaan na lang niyang tapak-tapakan siya ng impostora.
3. "Sino ako?"
Ang pinaka-gasgas na theme sa balat ng lupa!!! AMNESIA. Yan na lang ba ang sakit sa mundo? Bakit lahat na lang nang bida nawawalan ng ala-ala? Pwede naman siyang magkaroon ng AIDS, pressure ulcer o kaya Disseminated Intravascular Coagulation... Pero at least, mas flexible ang ganitong theme, pwede siyang i-apply sa iba pang plots. For example, pwede siyang i-apply sa nabanggit ko sa itaas. Pwedeng nagka-amnesia yung bida after an accident, tapos hindi niya maaalala na mayaman pala siya! And the villains would make sure that she won't remember at all, or at least dispatch her before it happens. Another application: After an explosion, everyone would think that the protagonist is dead, but it happens that she is actually alive! and with amnesia! How unlucky can she get? What's more unlucky? Yung magkaka-amnesia ka tapos yung kukupkop sa'yong doktor na taga-hanga mo ay papaniwalain kang ikaw ang kanyang asawa, at pipigilan ka niyang malaman ang katotohanan sa pamamagitan ng pagtago sa'yo sa isang malayong lugar at pag-hi-hire ng isang katulong na magbabantay sa bawat kilos mo.
4. "Bida-Kontrabida"
Bago lang ang theme na 'to, but it's popularity has been growing in the modern times. Siguro kasi, nagsasawa na ang Pilipino sa masyadong mabait na bida. They want something better, they want someone fiercer. And there came forth the Bida-kontrabidas. Ang mga bida na gumagawa ng masama. Kakaibang theme pero effective. Para naman makita natin side ng mga kontrabida. I think this is a good theme because we are able to see the reasons why these villains do their evil stuff. Lahat ng bagay may rason. Pero what I don't like is the pattern wherein the bida-kontrabida must always have to be a sexy, beautiful girl wearing sexy clothes and a red lipstick. Feeling ko, masyado nang nafocus sa face value ang mga pinoy. Bakit, maganda lang ba ang pwedeng maging bida? At pang-aakit lang ba ang pwedeng gawing paraan upang makapag-palaganap ng kasamaan, in a BIDA-ful way? Sana may bida-kontrabida na pangit. hihihihi.
5. "Ang panget na superhero"
In the not-so-far past of Pinoy teleseryes, the usual themes are quite realistic, focusing on actual things that happen. But with the birth of computer graphics and multimedia arts, the so called fantaseryes or telefantasya has flourished the Filipino primetime television. Masyado nang nahilig ang pinoy sa kathang-isip, to the point na halos lahat ng primetime show sa isang tv station ay puro fantasy, maliban na lang sa isang dubbed koreanovela sa bandang dulo. I can understand them, because I think these out-of-the-world themes became a venue for the stressed Filipino to be unstressed, and for them to make-believe that the impossible can actually happen, even for half an hour. Winner na winner 'to sa mga bata. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang superhero na pagkalakas-lakas at super talino, kapag sa normal na buhay, ay kadalasang mahirap, may peklat sa mukha, o kaya naman pilay na naka-saklay. At kadalasan, nakuha nila ang powers nila dahil tumulong sila sa isang matandang babae na diwata pala, o kaya naman nakapulot ng pirasong bakal at bigla na lang may maririnig na boses na magsasabing, "ikaw ay itinakda". Hindi na rin ako nagtataka. This kind of plot brings a moral lesson that whatever flaws you have in your appearance, your kindness and inner beauty will always matter at the end... Understandable naman ang part na kung saan, naging superhero sila dahil tumulong sila sa isang tao. Pero mahirap lang ba ang mabait? Panget lang ba ang mabait? At lahat ba ng pilay, may busilak na kalooban? I think Filipinos have to change that notion that those who are the underdogs will always be nice. Sana i-consider din nila na magkaroon ng superhero na pag sa likod ng maskara, ay ubod ng ganda, mayaman at may magandang pamilya. Yeah, kung gusto niyo maging realistic ang palabas niyo, lubos-lubusin niyo na. Tutal, life is unfair talaga, may iilang tao na nakukuha ang lahat ng maganda sa mundo.
6. "Tiyang, wag po!"
Villains would always be a part of a teleserye. Kung walang kontrabida, walang bida. Their spice always brings the color and flavor in a pinoy teleserye. But based on my observation, kadalasan ang kontrabida, yung malapit sa'yo. Maaaring kamag-anak tulad ng tiyahin, lola, o kaya step-mother. Yes, kadalasan nga babae. Ewan ko, magaling siguro tumawa ng evil ang babae. High pitch. Nakakatakot. But what's scarier is that you and this villain is actually sleeping under the same roof! Be close to your friends, but your enemies closer. E pano kung pareho kayo ng tahanan diba? Super close na kayo! The usual reason why these kontrabidas assault the bida (usually a child) is because they want to use them to become richer, or perhaps to have every inheritance entitled to the protagonist. And yeah, kadalasan nga, either magaling sumampal or magaling tumawa ng evil yung kontrabida. It has become a requirement. Imagine a kontrabida na mahiyain at mahinhin. Baka yung bida pa yung sumapak sa kanya. At kapag mayaman ang kontrabida, payat... pag mahirap, mataba. I guess that's just the way it is. Tingin mula ulo hanggang paa, at tatawa ng malakas, sabay sabi, "MGA HAMPASLUPAAA!" Sweet... sabay sampal o kaya tapon ng juice sa mukha.
7. "Tubig at langis"
Isa pa siguro sa pinaka-gasgas na teleserye theme. Halos lahat ng teleserye, may ganitong tema. Langit ka, lupa ako. Tayo'y tubig at langis. Mayaman ka, mahirap lang ako. Pangit ka, maganda ako (parang ang sagwang pakinggan nun, parang panlalait), . What's the bottomline? Dalawang tao na kahit magkaiba sa maraming bagay, na kahit ang buong mundo ay tutol sa kanilang pagsasama... sa huli ay magkakatuluyan pa rin.
One example is the cityboy-probinsyana plot. May isang manilenyo na mapapadpad sa probinsya. Sa una, ayaw niya na pumunta dun, pero nang makilala niya ang isang maganda, mayumi at inosenteng babae na kadalasa'y anak ng tauhan, magkakagusto siya dito. Magliligawan sila at maghahabulan sa dayami at pilapil. Ngunit ang city girl na may gusto kay lalake ay malalaman ang nangyari at gagawin niya ang lahat upang masira ang buhay ni probinsyana.
Another example: ang typical amo at chimay love team. Feel na feel siguro panuorin ng mga maid ang ganitong theme. Magkakagusto ang amo sa kanilang katulong at ang unang-unang tatanggi... ang kanyang mama. Hahamakin nila ang lahat upang makamit ang wagas na pagmamahalan. Madalas din 'tong theme ng mga pocket book. I think the makers of these teleserye are really intelligent. They try to find out what composes the majority of the population bago gumawa ng teleserye. Oo nga naman, para bumenta. But I think this plot, even if used over and over again, does not fail to make our hearts wonder and be joyful. I think everyone is obsessed with the idea of true love despite everything.
8. "The happy ending"
Believe me, almost every teleserye found in Filipino archives have good ending. Either the two couples, who have experienced every hardships and challenges, will end up in a grand wedding, or mamamatay ang kontrabida dahil nabaril ng bida, o kaya nahulog mula sa abandonadong gusali at nakaladkad ng sasakyan.
Syempre, ito na nga lang ang time ng mga pinoy para libangin ang sarili nila, tapos bad ending pa. What they want is that everytime they reminisce a teleserye, they would remember something happy at the end. Understandable naman, on my view. Pero kadalasan kasi, it suppresses the creativity of Filipino writers. They always think that they should enclose themselves in a rainbow box of happy endings. Ito yung isang teleserye formula na nagudyok sa akin para ibigin ang dramang banyaga. Foreign, especially Asian, dramas offer a variety of twists and conclusions. Mahilig kasi ako sa bitter sweet endings, something that you will really remember, not because of wedding bells and true love's kiss, but because of painful partings and unrequited love. Mas mahapdi sa puso, kaya mas may tatak.
These are only a few of the many patterns found in a typical Filipino teleserye. But no matter how typical these teleseryes are, they will always be part of our culture. It has given us opportunities to express our self through crying, lauging and getting over-excited, with the bidas and kontrabidas. It has given us lessons on how to effectively laugh and slap like a kontrabida, aside from the memorable evil quotes. It has given us values in life, that no matter what happens to us, there will always be hope and promise of a happy ending. But more than that, teleseryes have somehow, given us identity as Filipinos. Emotional, loving and optimistic Filipinos.
watch filipino teleserye here http://www.pinoy-fans.org/
ReplyDelete