Tuesday, April 3, 2012

Going abroad = Happiness? It's more fun in the Philippines!

"Mag-aabroad ka ba?"

Yan ang madalas na tanong sa akin ng mga tao gawa nang gagraduate na ako this April. (please, pag-graduate-in mo na ako!!). Dahil nga Nursing ang course ko, a lot, especially relatives, are expecting na mag-aabroad ako one way or another. But what are the benefits of going abroad? Is there a downside with pursuing it?

My question was answered while on my way home this morning from a mall near us.

May mga matatanda kasing naguusap. I bet they're total strangers, pero I don't know, it's easy for old people to initiate a conversation with strangers. And the funny thing is, everytime, they'd brag about their children, grandchildren, and relative's  achievements. So eto na nga, nagyayabangan sila subtly ng mga trabaho ng mga anak at kamag-anak nila. Kesyo yung isang anak, dentista o nurse sa states, MALAKI ANG SWELDO. Yung isa namang kakilala, dating working student, nagtrabaho sa talyer, at ngayon nasa Saudi, MALAKI ANG SWELDO. Yung isang anak na dentista o doktor ata, wala pa sa abroad, pinipilit na ng magulang, kasi nga MALAKI ANG SWELDO.

So I guess it boils down to the fact na pag andun ka sa ibang bansa, kahit saan pa siguro, malaki ang sweldo mo. Sabi pa naman nung lolo na madaldal sa jeep kanina, basta medical related madaling makakuha ng trabaho, mataas sweldo, sure ang trabaho. Good for me, pero honestly, as I see it, hindi madaling makakuha ng trabaho ang mga tulad kong would-be nurse, lalo na kung iisa ka lang sa libo-libong karayom sa dayami (well, buti na lang kami'y mga ginintuang karayom, madaling makita. Haha. I need not explain why).

So gets ko na, malaki naman talaga ang sweldo. At sa panahon ngayon na taghirap at lahat na lang ng presyo ay nagtataas, money is a must. Pero kahit ganun pa man, they still mentioned, "mahirap ang mabuhay sa ibang bansa." But why? Hindi ba marami silang pera dun? Bakit sila nahihirapan? Well, that's easy to answer, gawa nang marami akong kamag-anak na tumitira na sa states…

MALUNGKOT. 

Yeah, malungkot sa states lalo na kung mag-isa ka lang. Malamig, wala kang kakilala, wala kang karamay sa problema. Maswerte ka na nga lang kung may Pinoy community doon na pwede mong katsismisan at kakwentuhan ng pinoy pick-up line (seriously, meron bang natatawas sa english na pickup line?). Kaya nga they try their best na ma-petition na ang kanilang pamilya. Una, magaan na buhay para sa mga mahal sa buhay, at pangalawa, hindi na sila malulungkot. Sabi nga nung lolo kanina, "mas masayang mamuhay sa Pilipinas. Sa buong mundo, Pilipinas ang pinaka-masaya."

Why you ask? Coz it's our nature to be happy. Madaanan ng bagyo, madaanan ng baha, ng lindol, ng sunog, sooner or later, tatawa pa rin ang mga Pinoy. Makakita nga lang ng camera sa TV, kakaway na yan, abot tenga ang ngiti. Because in these times of extreme stress, We Filipinos turn to humor and happiness with our loved ones in order to regain ourselves and to strengthen our hope. Na kahit ano pa man ang mangyari sa buhay, kesyo masama o maganda, at the end of the day, we can always prove that...

HAPPINESS IS A CHOICE.

So is going abroad. It's all up to you kung pupunta ka ng abroad. Just be happy with what you choose :)

No comments:

Post a Comment