Thursday, April 12, 2012

Si IKAW at AKO: Plastic ban, earth hour and hotdogs


Ikaw: Uyyy, ano yan? Pasalubong ba yang nakikita ko? Para sa akin ba yan?

Ako: Teka lang, kakarating ko pa nga lang, etong bitbit ko na agad ang tinignan mo. Hotdog sandwich, galing 7-eleven.

Ikaw: Ahh. Hotdog. Gusto ko nyan. Mahilig ako sa hotdog e.

Ako: (laugh)

Ikaw: Anong nakakatawa? (laugh) Ikaw ah, kung anu-anong iniisip mo. Pero hindi nga, para sakin ba yan?

Ako: Syempre hindi. Sa kapatid ko 'to. Nanghihingi ng pasalubong. Dahil daw kasi ako yung nahuling umuwi ng bahay, dapat bumili ako ng pasalubong para sa kanya. Kahapon kasi binilhan nya ko ng Cornetto disc. Favorite ko pa naman yun. I think it's better than Magnum.

Ikaw: Ikaw na. Ikaw na ang dakilang kapatid. (laugh)

Ako: Hindi naman. Tsaka balita ko National Siblings day kahapon. Anyway, nakakatuwa talaga. Tignan mo 'to oh (shows paper bag containing the hotdog sandwich)

Ikaw: Oh. Sa 7-eleven yan? Pati pala 7-eleven wala na ring plastic. Akala ko sa SM Molino (malapit na SM sa amin) lang "no plastic" na, pati pala sa 7-eleven.

Ako: Yeah. As I've heard, may plastic/styro ban na sa buong Bacoor. Ang nice diba? Una ko 'tong naexperience noon sa Alabang. Kaya pag namimili kami, lagi kaming nagdadala ng reusable bags na gawa sa tela. Apparently, naging hit na rin sya sa ibang lugar. Katulad na lang ng Bacoor. I bet nagpapasakit lang yang mga governor at iba pang officials sa mga lugar na yan.

Ikaw: Nagpapasikat man o hindi, the point is, it's good for the environment. In compared sa plastic, mas mabilis naman mag-decompose ang paper. And personally, mas cute tignan kapag naglalakad sa na brown paper bags ang hawak mo. Parang sa States lang.

Ako: Kaso ang hirap bitbitin. Kaya nga maganda na meron kang dala-dala lagi na bag, or something just to hold those brown paper bags. Lalo na pag grocery. Imagine those na nag-go-grocery na commute lang. They have to carry all those brown paper bag, with the risk of it breaking etc. Mas matibay naman kasi talaga ang plastic. But anyway, wala naman akong naririnig na nagrereklamo. The thought of being environmentalist seem to excite most people.

Ikaw: Ahh, in speaking of which, nag-join ka ba dun sa Earth Hour? Yung magpapatay ng ilaw for one hour?

Ako: Hindi. (laugh). Hindi namin namalayan. We were so busy with what we're doing na hindi namin namalayan tapos na pala ang Earth Hour. Oh well, lahat naman ng kapitbahay namin, nakabukas pa rin ang ilaw. So I guess hindi rin nila namalayan. Ang pinakamaganda kasing gawin ng mga nagpapatupad nyan ay effective dissemination of information. Dati naman nakakasali kami. Grabe kasi mag-advertise sa TV, sa malls, sa internet etc. Ngayon, kung hindi pa ako dumaan ng SM at nakita ang karatula sa entrance ng parking lot, hindi ko pa malalaman na Earth Hour pala. Parang ganun.

Ikaw: Sabagay. O sige. Aalis na ako. Hindi naman pala para sa akin ang hotdog na yan. Maghahanap na lang ako ng ibang hotdog dyan sa tabi-tabi.

Ako: Sige, good luck friend!

-end-

http://www.rmnnews.com/beta/news/regional/27751-plastic-at-styrofoam-ban-na-rin-sa-bacoor-cavite.html

No comments:

Post a Comment