Sunday, April 8, 2012

Miss na kita


Kislap ng gabi’y nabalot ng kadiliman
Kung mata ng puso’y pilit na tatakpan
Habang ika’y iniisip, umaapaw ang kasiyahan
Wari’y ang iyong ngiti, aking nasulyapan

Ang puso nananabik sa haplos ng salita mong masarap
Katawan ay nangungulila sa mainit mong yakap
Ilang araw, ilang linggo, kailan ang susunod na sulyap?
Sa iyo, O anghel na bumaba mula sa alapaap

Sa aking paglalakbay patungong tahanan
Ikaw ay laging naririto sa aking isipan
Ang iyong ngiti, ang iyong labi, kahit ang iyong katatawanan
Malamang sa mais mong biro, kailanma’y di pagsasawaan

Sa iyong pag-iisa, ako’y iyong alalahanin
Sana ako nasa tabi mo upang ikaw ay makapiling
Pulo, dagat, kahit ilang milya pa ang layo ng pagitan natin
Sa pagnanais na makasama ka, dagat ay sisisirin, langit ay liliparin, lupa ma’y tatakbuhin

No comments:

Post a Comment