Friday, January 28, 2011

Bakit mabilis magdiscuss ang ibang professors

"To write is futile with an overly excited professor."

Not only me, but I believe majority of the studentry of UP Manila will agree how annoying excited professors are. Excited to have an exam, excited to put the students on the edge of despair, and the most common, professors who are excited to discuss and push the ENTER button during powerpoint presentations.

Just imagine... Nakaupo ka sa silya mo at nakikinig sa teacher. Hawak mo ang itim na g-tec na pinakaiingatan mo. Binilisan mo ang pagsulat mo the moment na lumabas ang slide on "remedies for diarrhea". Fulfilled na fulfilled ka pa nang masulat mo yung DIARRHEA in all-caps, Arial font na pagkaganda-ganda, tapos pagtingin mo sa harap, nilipat na ng professor sa "signs and symptoms of constipation".

Tae.

Kung pwede mo lang ibato ang ballpen mo sa professor at sabihing, "ma'am, wait!" Pero hindi. Una, magagalit ang teacher. Pangalawa, G-tec yun. Sayang ang 80 pesos.

Pero bakit nga ba laging nagmamadali ang mga teacher sa pagdidiscuss ng mga lessons? Siguro, sa sobrang dami ng holiday, masyado nang naiwan ang klase sa dapat pag-aralan. Pwede namang nagtae yung teacher kaya hindi siya nakapasok ng mga nakaraang araw. Wait, what's with shits? Hindi ko na nga gagamitin ang feces bilang example, ang baho pakinggan. :D

Hindi kaya may hinahabol silang date? I think reasonable naman yun. Minsan na nga lang nila napagbibigyan ang uhaw nilang love life, ipagkakait pa natin sa kanila? Baka matulad sila sa mga teacher na tumandang dalaga dahil sa pagmamahal sa profession nila. Kelangan i-unwind natin ang sarili natin from time to time. Hindi lang mga students pero mga professors din.

On a deeper note, pwede ring hindi successful ang oral stage nila nung bata pa sila. According to Sigmund Freud, may psychosexual stages daw ang human development, una na nga dito ang oral stage. He stated that when a certain stage wasn't successfully finished due to some factors, manifestations related to it may appear in the future. For example, the oral stage pertains to infanthood. The baby's hunger must be satisfied at all cost. If not, manifestations associated with his/her mouth may appear such as being talkative or gluttonous. Kaya siguro masyado mabilis magdiscuss ang mga teachers, hindi sila masyado napapakain nung baby pa sila. Kawawa naman sila...

Sabi ng mga matatanda, pag malikot ang isang bata, may bulate daw sa puwet. Pag mabilis bang magsalita, ibig sabihin may bulate sa bibig? Ewww…

Female ascaris
source: Wikipedia
According to our most sought after, Wikipedia, Ascaris lumbricoides are parasitic nematode worms known as the "giant intestinal roundworms". They usually infest humans because of poor sanitation. The females can actually reach up to an average of 20 - 35 cm, pretty much longer than a 12-inch ruler. The size is just the tip of the iceberg. In worst case scenarios, LOTS of ascaris worms may actually have a party in your intestines, even causing bowel obstruction. And the moment you drink medications to kill them, they'll try to get out of your body in every exit possible. Believe me, you don't want to know what "every exit" means.

It also says that Ascariasis or ascaris infestation is systemic in nature. Worms migrate to other parts of the body, perhaps the liver or the lungs. Hindi kaya sa mga teachers, nagmimigrate sa fingers kaya mabilis silang pumindot ng powerpoint slides? Kawawa din yung mga students sa harap, baka matalsikan ng ascaris habang nagdidiscuss yung prof.

No matter what their reasons are, it's up to us students on how to adapt. Dumaan din sila sa pagiging estudyante so I guess it's our turn to work hard. Let's just supplement our notes with sufficient readings. Tsaka maniwala ako sa'yo kung nakikinig ka talaga. In the end, tayo pa rin talaga ang maghihirap.

Tae.

No comments:

Post a Comment