Sipon. Kaya ka nagkakasipon ay dahil nag-o-over secrete ng mucus ang nasal cavity because of viral infection or irritation (I hope my guess is correct. Haha). Based on experience, mahirap ang may sipon because it's harder to breathe, to smell, to taste and to speak. Maluha-luha ka pa pag may sipon ka.
Ang sipon, parang taong mahal mo pero hindi ka niya mahal, or hindi feasible ang relationship. Huwag mo nang pilitin. Pag pinilit mo, It's harder to execute pulmonary ventilation. In other words, mahirap huminga.. Isa pa, It's harder to smell and taste. Pag walang amoy at lasa ang pagkain, mahirap tanggapin, mahirap lunukin, walang excitement. Third, It's harder to speak. Hindi mo masabi ang gusto mong sabihin. Lastly and most visible, Maluha-luha ka. Alam ko, pinilit ko lang iconnect ang lahat ng 'to in line with the upcoming Valentines day (ang layo pa. haha), but it makes sense diba? Ngunit pag pinagsama-sama ang lahat ng ito, isa lang ang point nito: ANG TAONG MAHAL MO NGUNIT HINDI KA MAHAL AY ISANG MALAKING SIPON!
E bakit hindi na lang isinga diba? Yeah, those people that I call smart are the ones that blow their noses to get rid of the bad stuff. Pag nahihirapan ka na, e di isinga mo na lang. Pero merong ilang tao na pinipigilan ang pagbahing, at ang ginagawa na lang ay sinisinghot ang sipon upang hindi tumulo. But in the end, ang mga matatalinong tao ay naiiwang may over-drenched na panyo at mala-Rudolph na ilong dahil sa walang kakuntentuhan... At ang iilang mapilit ay nakukuntento na lang sa pasinghot singhot, tinatanggap ang katotohanan at di kalaunan ay gumagaling.
"Sisinghutin kita, ngayon, bukas at magpakailanman..."
No comments:
Post a Comment