[blog dated July 17, 2009]
I stumbled upon this article about Mariel Rodriguez habang nasa PBB house siya. Parang sinabi niya daw na "baduy ang GMA." I'm not posting this blog to support her, or to defend the network. What caught my attention are the comments made by a lot of people that I saw below the article.
Grabe ang mga comment. Some were supporting Mariel's statement. A few are protecting the kapuso network. Habang nagbabasa ako pababa, patindi na ng patindi ang sinasabi nila. Napunta na sa originality ng mga palabas, sa pagiging no. 1, sa pagiging "class" ng mga variety show, at tunggalian ng wowowee at eat bulaga. Todo ALL CAPS pa ang mga text. Sana lang, hindi nasira ang keyboard ng mga nagtype nun, kasi kulang na lang, gawin pa nilang red ang font color, at mahahalatang nagngingitngit sila sa inis at galit habang nakikipagbangayan sila sa ibang tao, virtually.
Nakakalungkot lang kasi lahat ng comment dun, tagalog, which means, lahat sila sa thread na yun ay Pilipino.
San nga ba nagmula yang abs-cbn VS gma battle na yan? Bakit sila nagaaway?
Pareho naman sila ng binibigay sa tao:
- entertainment
- news
- information
- public service
halos pareho lang din naman ang mga commercial na pinapalabas nila. At syempre, pareho din nilang kini-claim na sila ang no. 1 "based on surveys."
"Serbisyo totoo"... "In service of the Filipino"...
SUS! nyek nyek niyo. Ang gusto niyo lang naman, pera! Ang kumita ng malaki! Both of you are claiming to be the best para habulin kayo ng mga businessman para i-endorse ang mga produkto nila, para kumita kayo ng malaki!
Mabuti kung kayo lang ang mag-aaway... e pati ang sambayanang Pilipino, pinagaaway niyo. Kanya kanya pa kayo ng labas ng survey ratings kaya tuloy tuloy ang pagtatalo ng supporters niyo.
Meron ding kasalanan ang mga tagasubaybay ng dalawang istasyon. Most people (see, I'm not generalizing everyone) tend to idolize their favorite station so much that they close their eyes from the goodness of the competing network. Ang tingin nila sa favorite network nila, diyos, at sa kabilang network, demonyo. Both networks have their good and bad characteristics. Ang dapat sa mga tao, magkaroon ng open mind at respeto sa iba. Given na baduy ang GMA, or walang class ang ABS, people should not include their emotions in giving comments. Tuloy, yung mga taong tira nang tira sa ibang istasyon, ay lumalabas na walang breeding, walang class, at BADUY!
We are all Filipinos. Don't let a network feud change that. Maliban na lang kung gusto niyong magtayo ng tatlong estado ng Pilipinas, ang ABS-CBN, ang GMA, at ang OTHERS (kawawa naman sila kung ituturing silang minorities sa Pilipinas.)
No comments:
Post a Comment