Sunday, January 16, 2011

Constipation

[blog dated April 9, 2009]

“Constipation (kon-sti-PĀ-shun; con- = together; stip- = to press) refers to infrequent or difficult defecation caused by decrease motility of the intestines. Because the feces remain in the colon for prolonged periods, excessive water absorption occurs and the feces become dry and hard,” (Tortora and Grabowski, 2003). Ang ibig sabihin lang, matigas ang tae kaya mahirap ilabas, masakit, maka-ubos-oras. CONSTIPATION... sa una, ang sosyal pakinggan, pero pangit ang ibig sabihin.

Naranasan mo na bang magka-constipation? Ano ang pakiramdam? Masakit.... nakakainis... gustung-gusto mo nang matapos ang lahat ngunit sa di mawaring dahilan ay kailangan mo pang magtiis ng ilang minuto hanggang ilang oras. Kahit ilang timba ng pawis na ang tumagaktak sa mukha mo ay patuloy pa rin ang pagdurusang nararamdaman. I’m not saying these things about constipation dahil naka-upo ako sa toilet bowl ngayon at tila nanganganak sa kakairi. No, my friends, I’m not constipated at the present, but I happen to experience something related to it.

That experience would be... our enrolment. Enrolment? Bakit? Amoy tae ba nung enrolment niyo? May matigas ba? Sino??? Bago pa mapunta sa mga amoy at matitigas na bagay ang usapan, I better tell what happened...

Ok, so I went to school early (as in maaga) for enrolment. Siguro mga 7 am yun. Andun na si Jayson (pati ata si Arvin andun na rin) and some upperclassmen. I signed up in the list. Yan, #24 ako, maaga pa. Nagstart na siguro magbigay ng number by about 8:30. Nung nabigyan ako, #27 na ko. Mukha ngang nadadagdagan ng 3 yung numbering kahit sina Bayani, ganun din e. Naghintay na lang kami sa Auditorium para dun sa form 5-A.

Grabe, ang tagal. Yup, ang tagal talaga naming naghintay. Naubos na lang yung oras kakakwento ng iba kong kaklase about some “legendary pokemon” at pag-shishift, at kakakanta ng tune ng selecta ice cream cart at “3-in-1 plus 1” jingle ni Vhong Navarro. Nung nabigay na yung form 5-A, pinirmahan na naming at nung adviser then we’ll give it back to the aquarium para ma-print naman ang form 5-B.

After SEVERAL minutes of waiting, chatting and laughing, nabigay na yung form 5-B nung mga kasabayan ko nagpasa... but wait! Nasaan yung akin?! Hay... Baka naman may kelangan lang ayusin kaya na-late. Intayin ko na rin. So, inintay nga namin. Inintay namin hanggang inabot na kami ng lunch time. Ano ba yan... sige na nga, kain na lang kami.

Pagbalik namin, of course, naghintay pa rin kami. Para kaming may constipation. Nakakainis, nakakapagod. Gustung-gusto na naming matapos ang lahat ng ito, ngunit hindi maaari. Para kaming tubol na naiwan sa large intestine ng ilang araw, “batong bato” na kami. #27 ako, pero naunahan pa ko ng mga above #60. Hindi na yata tama... with the encouragement of Chantel and Jess (mahiyain kasi ako magtanong e), nagtanong na ko sa aquarium. Pinahanap sa kin yung 5-A ko sa stack ng natapos na... andun nga yung akin. Naka cross out na (which means na-print na). Guess what, na-cross-out na yung akin, pero hindi pa nila napriprint. Sorry, sabi sakin. Wow... dapat pala, kanina pa ko umaga natapos kung hindi lang nangyari ang small error na yun... pano kung hindi ako nagtanong, aabutin na ko ng takipsilim. Kaya nung natapos ang lahat, para akong nakaraos sa ilang oras na pag-valsalva maneuver.

Perhaps, it’s partly my fault because I didn’t have the courage at first to ask and follow-up. But look at the circumstances. Sa lahat ng nagenroll, bakit ako lang ang nakaranas ng ganun? Malas lang talaga siguro ako nung araw na yun...

Kaya wag kakalimutan, uminom lagi ng tubig at ugaliing umupo sa inidoro upang hindi mamuo ang tumigas ang dumi sa loob. Basta, huwag susuko sa lahat ng hamon ng buhay, iiri mo lang ng iiri, lalabas din yan.

No comments:

Post a Comment