Sunday, January 16, 2011

Libag

[blog dated February 3, 2009]

5 oras na ang lumipas nang nag-exam kami sa N3-Laboratory.. Tama ang narinig mo, exam sa laboratory..

Dati, ang akala ko lang sa mga lab subjects (lalo na nung highschool), for fun lang. Yun bang pag wala nang ibang maturo yung teacher kasi super gasgas na yung topic, maiisipan niya na lang na mag-experiment... Minsan naman, responsable yung teacher kaya mag-eexperiment daw kami para makita namin yung mga tinuturo samin "in action". Dati, magtatanim daw ng monggo tapos titignan kung ano yung epekto ng sobrang tubig o kaya walang araw... Minsan naman, maghahalo kami ng mga chemicals for our chemistry class, at magpapagulong ng mga metal balls sa physics class.. At syempre, ang favorite kong biology class, kung saan mag-didisect kami ng kung anu-ano.

Pero ngayon, may exam na pala ang laboratory... Mabuti kung yung exam na "take your time, review your answers...".. E hindi! By stations daw. 31 stations all in all kasi 31 kami. Per stations, may specific questionS with a capital S (o diba, ang dami nun). At kelangan tapusin after 1 and 1/2 minutes... Mahirap siya, yun lang ang masasabi ko.

"After the bell rang, go to the next station..." seems orderly isnt it? Mabuti nga yung ganun diba, yung orderly, systematic at higit sa lahat, predictable. Dito kasi sa Pilipinas, usong-uso yung singitan. Singitan, from the root word, singit, (common term: groin; medical term: inguinal) na tumutukoy sa parte ng katawan na nagdudugtong sa parte ng ari at hita. Dalawang papalapit na lambak na kadalasa'y dinedescribe bilang maitim, mabaho at pawisin. True to its meaning, pag nagsisingitan nga naman, nadidikit sa balat mo ang malalagkit at pawis na pawis nilang mga braso. Lalo na pagpasok sa LRT, sa mga pila sa bus, sa pagkuha ng give-aways sa mga health teaching at sa paguunahan sa entrance ng isang lugar. Bakit hindi nila magawang maghintay? At babanggain pa nila ang isa't isa para lang magunahan. Power play ba ito? Hehehe.

Minsan naman, malinis ang pagkakasingit. Walang kiskisan ng balat. Yun bang pag-oorder sa isang stall or carinderia. Nakakainis yung minsang nakapila ka at pag handa ka nang umorder, biglang tiyempong magsasalita yung katabi mo at sasabihing, "ate, pabili nga nitong C2!". Parang libag, ang sarap hilurin ng sobra-sobra at ideretso sa inidoro. Pero hindi ko naman sila masisisi... Minsan din naman, libag din ako.

Hindi naman lahat ng singit, ilegal. Sa simbahan, pag communion, legal ang maningit. At pag nagpasingit ka, ang tingin sa'yo ng tao, mabait. Ang sagwa naman pag may sumingit sa harap mo, sisigaw ka sa loob ng simbahan, "HOY! PUMILA KA DUN SA LIKOD. SINGIT! SINGIT! LIBAG! LIBAG KA!"

Kahit ilan pa ang singit at libag sa mundo, mahirap pa rin ang N-3 lab (ang N3 pala ay anatomy at physiology). Pero kahit na mahirap, masaya at creative. At syempre, Hindi ka matatawag na libag.

----

Ngayong nag-duduty na kami, I'm far from taking laboratory exams. Now, I'd take more difficult ones, yung tipong pag nagkamali ka ng major major, it might cost not only your chance to graduate on time, but also your clinical instructor's license.

Mas gusto ko pang matawag na libag kaysa makapatay ng tao T_T

No comments:

Post a Comment