Today is another day. A new day for new beginnings and challenges. But a day with the same routines. Pare-pareho lang naman ang ginagawa ko sa isang araw. Gigising sa tunog ng alarm clock (cellphone), iaadjust ng 30 minutes para makatulog uli kahit konti, at gigising nanaman for the second time around. Kakain naman ako pag may oras pa. Pag wala na, ok na yung gatas, pero minsan, hindi na ako kumakain. Umaasa na lang ako sa 24-hour convenience store capital of the Philippines, ang Ermita, Manila, dahil kahit san ka tumingin, bawat kanto, merong 7eleven o kaya naman, mini-stop.
So balik tayo sa routine ko. Maghahanda ako ng gamit for the day, maliligo, magbibihis, magaayos ng gamit, magtotoothbrush, magaayos uli ng gamit, aalis ng bahay, at pag nangalahati na ako papunta sa terminal ng tryke, babalik uli ako sa bahay dahil naiwan ko ang salamin or id ko. This goes on and on almost everyday. Pero so far, hindi pa naman ako nagsasawa.
Ang aking sinasakyan to school ay mga van na papuntang Lawton. Mabilis lang naman ang biyahe... Pinakamahaba na ang 2 oras kung sobrang trapik talaga. Pero kahit mabilis ang biyahe, I can't help but see what other people are doing. At eto ang usual: may naka-earphones at nakikinig ng music with the max volume... Yung tipong alam mo na ang pinakikinggan ng lalakeng katabi mo ay "single ladies" dahil sa sobrang lakas.
Is it necessary to play the music THAT loud? Ang sabi nga ni Tortora, "If you are listening to music through headphones and bystanders can hear it, the dB (decibels) level is in the damaging range." In short, delikado na siya sa tenga dahil baka mabingi ka. Baka nagpapasikat lang sila na maganda ang songs sa playlist nila o kaya, dahil damaged na ang ears nila, they conceive the loud music as whispers. At syempre, ang walang kamatayang, "ay, sorry... Dinig nio pala, hindi ko alam." Wow, hindi niya alam...
Para sigurong muta yung music. Hindi mo alam unless people will tell you. Pwede ring gamitin ang tinga na panghalintulad. Hindi mo alam na alam ng katabi mo na ang kinain mo kagabi ay dinuguan. Ate, magtoothbrush ka naman.
Sabagay, mahirap naman sisihin ang tao kung clueless siya.. Minsan, may nakasabay ako na babae sa van. Hindi niya siguro narerealize na ang strap ng bra niya (yung nagsasabit ng bra sa balikat) ay napigtas na. Mabuti kung kagandahan ang face, e mukha na siyang mother figure. Hindi ko naman masabi na "Miss, uso ba yan ngayon... Hanging?" Naku, baka madaganan pa ko ng di oras.
Mahirap naman talaga kasing sabihin ang mga ganun. Sabi nga noon, pag sasabihin mong may muta yung kaharap mo, sabihin mo, "Pare, may muta ba ako? (sasabihin niya dapat, 'wala') Kasi ikaw meron." So nagmukha pang blessing ang muta. Pano ko kaya sasabihin yun, "pare, malakas ba ang earphones ko? Kasi sa yo, sobrang lakas." UTANG NA LOOB, HINDI KA MARIRINIG NUN! Or worse, "Miss, ayos pa ba yung bra ko (oh, for god sake), kasi yung sa'yo, pigtas na! Hindi lang ako masasampal, mappagkamalan pa kong miyembro ng federasssyonn.
Kaya ako (kahit na masama), hindi ko sinasabi sa taong iyon ang mga ganung bagay. I let them realize on their own. (except for my close friends). But I really admire people who would stand up and say, "may kulangot ka sa lips..."
Moral lesson: Ayusin ang gamit bago matulog
No comments:
Post a Comment